marahil sa tagal ko ng nagsususulat dito sa aking Blogspot karapatdapat lang na ako ay magsulat sa wikang Filipino.
ano nga ba ang nakain ko at naudyok akong magsulat sa wikaing pinoy? marahil dahil sa ACP. Ngunit, higit na nakaimpluwensya sa akin ay ang aking Pilosopiya.
sa aking pagbabasa ng mga babasahin para sa aking PH103 ako ay namangha. nabulabog. napaisip. at sabay sinabi ko "oo nga noh!" ganyan. laging ganyan ang nasaisip ko pag ako ay lumalabas sa silid ng pilosopiya. (hindi lang naman ito dahil sa isang kinahuhumalingang lalaki.. pero siguro, pwede na rin :P). Nakaktawa ano? parang kailan lang ako ay inis na inis at gulong gulo sa mga thesis at babsahin na ibnibigay ni Bb. Oris. Marahil hidni ko sukat akalain na ako ay mamamangha sa mga ipinaliwanag o itinuro nito sa akin.
PILOSOPO. oo. Pilosopo ang Pilosopiya. papamukha sa iyo ang dapat alam mo na. ipapakita sa iyo ang pagmemeron mo. ang pagiging tao. ang pagiging isang meron sa mundo.
Ano nga ba ang meron? ang meron ay meron.
basta. hindi ko maibibigay lahat ng nalalaman ko ukol sa meron. Dahil sa sobrang kamanghaan ko sa meron ako ay naiwang nakatulala. nagtataka. at sinasabi sa sarili. "oo nga!"
No comments:
Post a Comment